Burnik

16 03 2010

Burnik. ‘yan ang tawag sa pinakamahabang buhok na nakatanim at tumubo sa katawan ng tao. kung may pagkakonyotik ka, pasosyal at mapagkunwaring hindi alam ang mga salitang kalye o kolokyal. at taning alam mo lang na lenguwahe ay 0101010101, eto na ang pagkakataon mo, dumating din ang swerte mo sa buhay para makaambag ako ng isang panibagong kaalaman mo na magpapabago sa ‘yong
sekswalidad! okay hindi, imbento lang. mga sigiripit at sigiripat, handa na ba kayong malaman kung ano ang burnik? eto na……..

ang burnik ay balahibo o balbon o isang uri ng buhok na nakakairita sa paligid ng inyong tumbong! tama, paligid ng tumbong, isa pa, tumbong! eto ung matigas na balahibo na nakakairita na sinasabitan ng ebs tuwing nakikipagmeeting ka sa oval office at nananalangin ka ng isang kaginhawaan at makalipas ang ilang minuto, sapol! parang semi orgasmic ang dating dahil sa nakaraaos ka sa isang mala trahedyang pag ire! pagkatapos mong pagpawisan ng malamig, sumakit ang abs mo sa isang madugong pag ire at sinuwerteng wala kang isang tabong tubig. malamang sa hindi hindi mo maalis ang dumikit na ebs sa burnik mo na nagiging dahilan ng pagiging matigas na buhok na pwedeng maging dahilan ng isang nakakakiliting pagtusok nito habang ikaw ay naglalakad.

tapos na tayo sa pag depayn ng burnik. so alam nyo na! ang tanong naman, bakit ang burnik ang pinakamahabang buhok na tumubo sa katawan ng tao e malabalbon lang naman ito at maswerte na kung umabot ito ng isang nakakadiring isang pulgada? simple lang.
ang burnik ang kumokonekta sa pilik mata mo.. uulitin ko, ang burnik ay direktang nakakonekta sa mata mo. kung naghahanap ka ng pruweba, aba! wag mo akong hamunin, mapaptunayan mo yan sa sarili mo sa pagsunod ng isang tip na galing sa akin!

ganito lang yan, humila ka ng isang hiblang burnik. biglain mo, kapag napapikit ka ang burnik mo at ang pilik mata mo ay iisa.








Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 113 other followers

%d bloggers like this: