COMMANDMENTS

I. Huwag magco-comment ng “Base”, “First” at “Kamusta?” - Saan ka base, saan ka nauna? Sa katangahan? Sasabitan ka ba ng medalya kung nauna ka? Nakaka-init ng ulo at nakaka-irita itong basahin. Isa pa, bakit ka manga-ngamusta sa comment box? Alam naman na ‘di ka seryoso. At paunawa, comment box ‘yun, hindi kamustahan portion, hindi ka si Boy Abunda.

II. Huwag magco-comment ng “nice post” at “ex-links”. - Tanga. Wala akong blogroll. Huwag masyadong mag aksaya ng oras, maiksi lang ang buhay.

III. Huwag mag-hintay ng sagot sa comment na inilagay mo. - Marami rin akong inaasikasong mas mahahalagang bagay para mabuhay. At common sense na lang, hindi Q&A portion ‘yung kahon na yun.

IV. Huwag mag-tangka na makipag-eyeball. - Anonymous ako. At hinahayaan kong manatiling ganito ako. Aksaya sa oras lalo na kung isa kang babae na mataba’t maitim ang batok at parang naghihintay ng textmate sa ministop.

V. Huwag humingi ng picture greetings. - Ang kulit naman, anonymous ako. At utang na loob lang, tigilan na ang kabaduyan na ‘yan. Ano ka, grade five?

VI. Huwag mag-tanong tungkol sa personal na impormasyon. - Ibalato ninyo na sa akin ang mga bagay kagaya ng mga pribado’t personal na impormasyon. Sa madaling salita, non-showbiz. Walang PEP!

VII. Huwag humirit ng bastos at walang kwenta ang mga isinusulat ko. - Hindi bibliya ang binabasa mo. Kwentong kutsero, barbero at balentong ang laman nito. Kaya huwag kang epal, ‘di ko kailangan ng opinyon mo.

VIII. Huwag madamot. Ihasik ang magandang balita. - Hindi masama ang gumawa ng kabutihan sa kapwa. Kung nasiyahan ka at natuwa, ikalat ang magandang balita. Ikalat ang link ng kwentongbalentong.com at sundan ang dotcom (follow me).

IX. Huwag humirit ng “paki-like” naman ang post/picture ko.  - Kawawa ka naman. tsk! tsk! Suntukan na lang.

X. Huwag umasa na may pakontes, pakulo at kung ano-anong pa-utot dito. - Hindi ako host ng mga game shows. Wala akong balak mag-lustay ng salapi para sa mga pakulo at ka-ututan sa buhay.

XI. Huwag masyadong magpaka-pormal at magpaka-disente kapag nagba-basa ng KwentongBalentong.  - Alam naman natin na disente ka at malawak ang pag-iisip mo kaya nagbabasa ka nito. Hindi ko kailangan sabihin na medyo maangas at bastos ang dotcom na ito. Kung naangasan ka, mag-mura ka. Kung hindi, mag-mura ka pa rin. Kung napa-saya kita, ikalat ang link at sabihing “Tangina, ang sarap basahin ng tanginang dotcom na ‘to. Walang kwenta.”




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 740 other followers