Tinig ngTili

6 06 2012

Importante ang tinig ng sino man, dapat ito ay naihahayag sa kung ano mang paraan. Iba’t ibang klase ang mga tinig ng tao, lalo na sa ang mga tao sa Pilipinas. Ang pinaka magandang halimbawa dito ay ang mga aktibista na wala ng ginawa kung hindi bumatikos – trabaho nila ‘yun, sumigaw sa kalsada at mag – planking. Pero sa panahon ngayon, may mga iba’t ibang paraan na para mailabas ang tinig ng bawat isa. Magandang halimabawa ay ang twitter at facebook. Dito inihahayag kung gaano kasalimuot ang relasyon meron ka, kung anong kinain mo, kung sino ang baskil, hindi ka makatulog, mabagal ang internet at kung ano ano pa. ‘Yan ang mga walang kwentang tinig na nakakakuliling.

May tinig din ang mga banda, sa panahon ngayon, uso ang mga bandang indie, mga kabataang aakyat sa entablado at sumisigaw ng mga liriko may laman na “ang mahal ng gas, ang mahal ng bilihin, ang mahal ng pamasahe” at kung ano ano pang problema ng lipunan. Sila yung mga indie magaling, pero may siraulong nag produce ng album. Pero mas okay na ito kesa sa nakakakuliling na boses ni Justin Bieber. Sino bang natutuwa sa “oh baby, baby, baby ohhh” na laman ng kanta?

Tinig ng mga tagapagbalita sa telebisyon, sila yung mga aktibista na ayaw sa gobyerno dati nung nag aaral pa sila at ngayon sila yung mga walang kinikilingan at kinukuha ang bawat panig. Sila yung kapag gwapo ka, ikaw ang ihaharap sa TV, kapag marunong ka ng quotable quotes may segment ka, pero kapag pangit ka dun ka sa pumunta at mag ulat sa mga giyera, bulkang pumuputok, rumaragasang lahar  at gumugulong na mga bato. Doris Brigonia.. Pasok!

May mga tinig na walang boses, pero malaswa. Hindi pala malaswa, ang tawag dun ay sining. Ang pag takbo sa campus na walang damit, naghahayag ng sinasabing “Freedom of expression” o pagpapakita ng etits. TITINIG!

Malayang bansa ito, malaya nating gawin ang gusto natin. Malaya tayong makinig, maniwala at sumigaw sa parang pakiramdam natin ay malaya tayo. Kaya mabuhay si Rustom Padilla, kaya para kay Piolo, tumili kana.

About these ads

Actions

Information

19 responses

6 06 2012
Bino

isa sa mga entries na mayroong “laman” ang post. mahusay

6 06 2012
NoBenta

may kaklase ako na kayang bigkasin ng iba’t ibang paraan ang “masarap ang tikoy”. iba-ibang pamamaraan upang ito ay maging tunog-malaswa! \m/

6 06 2012
WP

Sabi ko na babanatan mo na naman si Rustom at Piolo sa bandang huli. Konsistent! :D

13 06 2012
cheesecake

tumili kana rin ba ser?

14 06 2012
WP

Normal na lang sa akin ang tumili boss lalo na kung hinahabol ako tapos malapit ng abutan bwahaha

14 06 2012
cheesecake

sa gilid ng beach?

14 06 2012
Sphereq

anong meron sa gilid ng beach? pating?

14 06 2012
Sphereq

teka, wala palang pating sa gilid ng beach! pakiliwanag nga ito cheesecake…

14 06 2012
cheesecake

wala naman akong sinabing pating. anak ng pating. lol.

14 06 2012
WP

Bwahaha TNT ako kay Sphere :D . Hindi naman kailangan sa gilid pa ng beach, pero naisip ko..magandang konsepto ang gilid ng beach :D

14 06 2012
cheesecake

yung parang katulad sa mga pinoy movies. naghahabulan sa tabing dagat. tapos kapag nahabol, bubuhatin at magpapaikot ikot.

pagkatapos ng eksena na yun, lalabas yung ibang cast ng pelikula tapos sasayaw sila ng kung anong usong kanta ng mga panahon na iyon. hahaha.

sorry kay ser balentong naging chatroom tong comments section.

19 06 2012
WP

mas ok naman yata iyon kumpara sa mga Bollywood Movie, yung with matching dance number hahaha

19 06 2012
cheesecake

Jai Ho!

7 06 2012
katrinadanieles

i like! :)) and like ko din ang oblation. wala akong na-missed nung college. hahah. good luck sa atin! :))

7 06 2012
Banjo

hagip ang tv news..

pinagpala pa din tayo kumpara sa ibang lahi kung tinig ang pag-uusapan. meron tayong kalayaan :)

7 06 2012
KM3: TINIG | Kayumangging Damdamin

[...] 43.  Kuwentong Balentong- Pampanga [...]

7 06 2012
bagotilyo

makatotohanan at napapanahon.

ayos :)

7 06 2012
silverlining09

…asan na nga ba si doris brigonia?

13 06 2012
J. Kulisap

Mulat ito sa reyalidad pero …pero..pero..sana na hindi nahuli. Science naman.

Salamat. Maraming salamat muritskie.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 112 other followers

%d bloggers like this: