Siguro hindi pa huli ito. Ngayong tapos na ang Valentine’s day halika at sariwain natin ang mga pangyayari. Sigurado na may sumaya, nalungkot, walang pakialam lang, nag-init pero walang naiskor sa araw ng mga puso. Kaya humahaba ang okasyon na dapat isang araw lang pero nagiging isang buong linggo dahil siguro, marami ang nag iisip na ‘wag ipagdiwang sa eksaktong araw dahil punuan, oo nga naman. Lahat sabaysabay, lahat gustong magpakaromantiko at ayaw pahuli. O di kaya naman Linggo lang ang day-off ng mga SG, Driver at Yaya kaya punuan pa rin. At siempre, after valentine’s day may tinatawag din tayong araw ng mga kabit – self explanatory.
Pero, may mga bagay bagay na napansin at hindi pwedeng palampasin kagaya ng mga ito:
- Nauso ang pag-papatugtog ng mga kanta ni Jose Marie Chan, akala ko pasko, nangamoy romansa sa mga araw na ‘yun.
- Umuulan ng mga tsokolate at bulaklak, ano pang magagawa natin. Kapag Valentine’s Day, dapat at karapatan ng mga babae na paulanin sila nito. Dapat mo silang i-date, dafault daw yun.
- Nagsipunuan ang mga motel – self-explanatory. Bakit kailangan sabihin sa mga nakabalandrang ads ng isang kilalang motel na dalawa na ang elevator nila? Ganun na ba kalakas ang industriyang….ano? Pook ng pakikipagtalik? Ewan ko.
- Marami mga pakulo, pula’t ternong damit para sa magkapareha. Mga hugis pusong dekorasyon, hugis pusong, case, pulang ribbon, pulang condom at malamang hugis pusong kama na maraming petals. Discount card sa mga motel.. pero hugis puso? Meron kaya?
- Naging “Single awareness day” ang araw ng mga puso. Sila yung mga taong walang kapareha, hindi kinilig at punong puno ng kalungkutan ang buhay, hindi naman siguro. Pero eto daw ang araw na nagpapaalala sa kanila na malamig at walang dumadaloy na romansa sa buhay nila. Hindi ko kayo maintindihan.
- Promo ng condom sa ministop – sa isang pakete, may ilang piraso ng condom na may iba’t ibang flavor (chocolate, orange at hindi ko na alam, siguro siling labuyo.) na may kasamang extra joss. Hula ko promo ito para sa mga jeepney drivers at security guard na hahabol sa okasyon.
- Napuno ang mga club para sa mga naghahanap ng mga panadaliaang aliw, Parokyano dito ang mga “LOLOM” o DOM.
- Uso ang kasalang Bayan.
- Kumalat nanaman ang AIDS.
- Maraming hindi nakipagdate sa eksaktong araw na ito, sino ba naman kasing nakaisip na sa 14 itapat? Sumasahod kadalasan ang mga tao ng 15. Walang budget, walang pang motmot.
- Madaming bading at lesbian ang humihingi ng one true love.
- Sex scandal, malamang “Feb. 14 scandal”, “Valentine’s Scandal”, “3some sa araw ng mga puso scandal”, “SM Cinema Scandal”, “Likod ng puno scandal”
- Uso ang mga contest kung sino ang sweetest couple o mga ganyang pakulo.
- At usong uso din ang mga nagpropose, nanghaharana, lumuhod at ipinakita ang singsing. Naglatag at iwinagayway ang tarp na nag lalaman ng “Will you marry me.” Trip nila yun, problema mo na kung gusto mong kiligin o tayuan ng balahibo.
- At hula ko, si Inday ay buntis na dahil noong araw ng mga puso sinagot si Dudung. At habang wala si Ma’am at si Sir, sumalakay si Dudung kay inday.
pinanganak ako huling linggo ng oktubre ibig sabihin ba non produkto ako ng valentine’s day pambihira na yan ahahaha
kalokang post. araw ng mga kabit ang feb 15?ayos!=D
“Kung mahal mo ako, patunayan mo. Relax lang, akong bahala sayo.”, true that! Pero hindi ko pa nasabi o nagawa ‘yung linyang ‘yun.
Hindi ko na rin inisip na makipagsabayan sa pa sa mga mots. May bahay naman kami e. Tamang timing lang ang kailangan. Bwahihihihihi. ‘Yung contest naman, kahit pugutan ako ng ulo ngayon, ‘yung entry ko lang ang pumalo sa linyang lampas sa kabaduyan at tipikal na boka ng mga tao tungkol sa puking inang true love. Kaya dapat manalo ako dun. Suportahan mo na rin ako, para cool. Thanks SB! Haha!
walang tatalo kay inday at kay dodong para sa akin. Bakit kasi makikigulo pa sa Feb 14 kung pwedi naman kahit anong araw magagawa mo ang kahit anong gusto mong gawin. Ito ang isang malaking kahibangan ki tagal ng nangyayari.sa mundong ito.
pinakanalungkot ako dun sa kumalat na naman ang AIDS
mukang magandang pangalan ng motel yung pook ng pakikipagtalik ah ..hahaha
makapagpatayo nga.lolz
….nkalipas n ang valetines day… ,at syempre s topic ay puso p dn ang bida!…at # 1 ay nkapokos sa relati0n betwen 2 lovers.! .. Pero bkit mdmi pa dn ang kulang kahit sinabi na npakadaming pr0mo at pakulo..dahil s araw nga naman daw ng puso!? …pag araw ng puso nagbbigay b ng pr0mo ang mga hospitals, mga clinic? Like hart transplant,blad donor,espesyal tretment s na hart atak,mga nerbos brekdawn..etsetera!.s pamilya naman nbbigyan b ng atensy0n ang mga ta0ng my pus0ng mam0n? He heh.nppalambot b un mga ta0ng cnsbing may taglay n pus0ng bato?..at s mga karenderia dapat mgp pr0mo dn cl a..? Kc nga arw ng puso e?.. Mgluto ng mga espesyal n resipe…ginisang puso ng saging,mga exotic fods kaya..2ulad ng dinuguang byawak n my ksmang puso..prit0ng puso ng pusa…mga ganun b?… He heheh! At s panaderya gw cl ng mga tanapay n hugis puso dn sympre a!.at eto p …dpt my pr0mo dn s mga nagppaseptik tank nu?…s barad0ng deposito ng ebak!..eks kyusmi …he heh’.. . K$i nga arw ng puso e! Pusonegro …db ? Ayyy…hngng puso lng t u. .d n ksama un negro…mhbng topíc n yan te! He he heh..jok ,dyok..jyuk…
Reblogged this on KWENTONGBALENTONG.COM.
ano ung LOLOM? LOL! araw ng kabit? saklap. haha!
whahaha.. pamatay ang last line….
Hahaha. Yan ang totoo! Nung estudyante pa ako at kailangan namin ng case sa delivery room, napanisn namin na ang pinakadagsa ng nanganganak ay 9 months after Feb 14 o kaya 9 months after ng June. Haffy Balemtayms
hahah buti di ako november.. hahhaa