Sa pagpasok ng bagong taon lahat ay gustong magpapayat. Lahat ay galit sa carbs, lahat nagbabasa ng mga nutrition facts sa bawat pakete ng pagkain. Lahat ay iwas sa chicharon at crispy pata – ang pinakamasarap na pagkain nalikha at naimbento para sa akin, pero hindi sa mga muslim o mga sektang hindi kumakain ng baboy. Lahat gustong kumain ng tinatawag na ‘healthy foods’ gusto magkaroon ‘healthy lifestyle’ at gustong maging ‘liver lover’ at magpaka ‘Lover Boy‘. Teka, ilang taon ka na ba? Sumasabog na ba ang BP mo? Nag ririot na rin ba ang mga cholesterol sa katawan mo?
Ipinagsigawan sa twitter/facebook/blogs na nagpaliit ka ng tiyan, magpatikas ng tindig, kung ilang reps, bench press at sit-ups ang ginawa mo. Kung ilang pounds yung barbel mo. Kung anong bitbit mong pamatid uhaw o thirst quenchers. Kung ilang oras ka sa gym.
Kung paano mo ipangalandakan na kumain ka ng salad at froyo – seryoso? Froyo kalalake mong tao, froyo? At uminom ng soya milk. At siyempre, walang rice, walang pansit at walang carbs ang kinain mo.
Pagpalain sana ang lahat ng mga taong hindi umoorder ng extra rice. Pagpalain ang mga lalakeng may pink ang utong, mga nag aahit ng buhok sa kilikili, mga nagpapakuha ng letrato na dumidila, dumadapa at naghuhubad. Pagpalain ang mga kumakanta, nakikinig at nanonood kay Justin Bieber at yung mga nanonood ng Glee. Hindi ko sinasabing mga bakla kayo, pero pagpalain kayo para makuha ang magandang pangagatawan.
Sa mga babae, sige lang ipagpatuloy ninyo ang pagdidiet ng matuwa naman ang mga boyfriend ninyo o mga asawa niniyo. Pero kung wala kang boyfriend isa lang masasabi ko, goodluck. Mag alaga ka na lang ng aso.
Pero sa nalalapit na chinese new year, maraming hulaan, forcasting ang magaganap. maraming kung ano anong shit ang mga pakulo ng mga kaibigan nating chinese. Mga pampaswerte daw, uso ang fengshui. Ang daming hula ng kung ano ano, kung sinong artista ang mabubuntis, anong kalamidad ang mangyayari kagaya ng pag bagsak ng Jupiter sa earth, mga krisis kagaya ng kinakaharap ni Piolo Pascual. Mga artistang gagawa ng mga sex video/scandal na magpapayaman naman kina Boy Abunda, Lolit Solis, Cristy Fermin at iba pang mga tsismosa.
Naglalabasan na naman kung anong taon ka pinanganak, kung anong hayop ka o kung anong hayop ang sumisimbolo ng taon ng iyong kapanganakan. Madaming nagtatanong kung anong taon ka ipinanganak at para sa naiinis na gustong malaman yun at para mabuking kung ilang taon ka na. Sagutin mo na lang ng ‘bakit pag sinabi ko sayo ay mababago ang takbo ng buhay mo?’ Ganun din kapag binasahan ka base sa posisyon ng mga bituin o guhit ng iyong palad. Paano kung may tae ang palad mo? Magmimistulang tae na rin ba ang buhay mo?
Mabalik tayo, sa lahat ng hula, iisa lang ang sigurado ako, hindi ako chinese, hindi ako manghuhula o nagbebenta ng mga halamang ugat na pamparegla, hindi ako nagbebenta ng dildo sa may overpass sa may raon o nagrereseta ng kung ano anong pampalaki, pampahaba, pampatagal o pampalapot sa quiapo church, pero alam ko ang sigurado. Ito ay tungkol sa pansit. Na ang pansit pa rin ang…
- Ang pansit pa rin ang paboritong pasalubong ng mga yagit sa kanilang naghihingalong ina (isa sa idolo kong gumanap nito ay si Susan Africa ng Mara Clara)
- Ang pansit pa rin ang magiging pang masang pagkain ng mga pilipino, salamat sa Lucky me pancit canton.
- Ang pansit ay ginagamit na matinding expression kagaya na parang ganito. ‘Itatapon kita sa pansitan.’
- Ang pansit pa rin ang pagkaing mayaman sa carbs ang tanging pagkain na pampahaba ng buhay.
May panahon kayong manood at makinig sa musika ni Justin Bieber at Glee, magbabad sa gym at magbasa ng mga nutrition facts. Sana alam ninyo na ang pansit daw ay pampahaba ng buhay at laging pasalubong sa mga tagpo sa pelikula, default na ‘yun. Sa chinese yata galing yung gawa-gawang ‘yun tungkol sa pansit. Kung sa Japan, malamang Ramen ‘yung pampahaba ng buhay.
Paano nga ba? Kung may taong mamamatay na, sugatan o nasa operasyon at meron isang doctor na naniniwala na pampahaba ng buhay ang pansit anong pwedeng mangyari?
Doctor: You’re not gonna die Mother F, I got the noodles! Tanggapin mo.
Nurse: Doc. Doc. Doc. Flat line pa rin.
Doctor: Natural… Wala pang kalamansi.
Tigilan na ang kalokohang ‘to. Huwag mong i-asa at hayaang kontrolin ang buhay mo ng pansit, horoscope at zodiac sign, tao rin may gawa niyan at oo magkakalevel ang pansit, horoscope at zodiac sign . Simple lang naman, kung gusto mong humaba ang buhay. Maging masayahin, laging ngumiti. Hindi ka papangit, hindi ka tatanda pero nakakagwapo pa. Ang pansit ay hindi pampahaba ng buhay. Kaya kapag sinabihan ka na magpacanton ka, iisa lang ibig sabihin nun, gumawa kayo ng buhay. Masarap kumain, masarap ang pansit. Kung malaki man ang tiyan mo, hindi kasalanan ‘yan. Hindi kasalanan ang umorder ng extra rice.
Kapag kasi maliit ang tiyan, masarap gumala ng nakahubad sa kanto, habang nakatambay at nagyoyosi. Madaling pumili ng damit. At mas marami akong masisibak kapag nawala ang tiyan ko, lalo kasing lalakas ang dating ko. Magmumukha ring malaki ang burat ko!
Ang nakakalungkot lang, isang kalderong kanin pa rin ang nauubos ko sa tanghalian.
Ang pansit ang laging dala ng Bidang action Star na walang abs kapag pauwi sa bahay nila bilang pasalubong sa Nanay na may sakit (Susan Africa). Tapos lalantakan tapos biglang may mga bandidong lulan sa sasakyan ang biglang darating tapos babarilin ang bahay ng Action Star tapos mamatay si Susan Africa tapos sisigaw ang action star ng “Inaaaaaaaaaaaaaayyyyyyyy”
Happy Chinese New Year sir!
natakam tuloy aq s pansit! parang gusto ko pumunta sa Ado’s panciteria d2 sa Pasig – sikat sa unique na pansit! now na! join kayo?
mapansit na usapan .. hehhe
natawa ako dito pramis…
natawa ko sa hospital scene, ayus!
naiinis din ako sa mga mahilig mag-diet. di naman nangyayari. ang dami lang nasasayang na oras. (yabang ko lang)
ayus ang calamansi part. lols!
hmmm makapag pansit nga
2012 na, nakalawit pa rin ang dila…kapoy.
May commandments ka pang nalalaan bugok.
Ayaw kong mangamusta at nasa commandments mo iyon.
hoist hindi lahat, gustong magpapayat. eto ako o, hirap na hirap magkalaman.
pag mataba ka, maliit ang tite mong maugat. default na ‘yun.
kuya walang kwenta at binatbat ang sangkaterbang nutrition diet plan at kung ano2 halaman dahil kapag stress ka isang linggo lang buto’t balat kana…. ehehe. Ang mga taong pinapatakbo ang buhay ayon sa bitwin na kumukuti-kutitap ay walang…
ang gusto ko lang sabihin KUNG HEI FAT CHOI!
kala ko pag malaki ang tiyan mo ndi kasalanan, naisip ko una yong pagmalaki ang tiyan ay kasalan dahil may laman sa loob. sabagay ndi naman kasalanan kapag nabuntis lol anyway, hanggang dalawa lang ang kaya kong kainin na rice. NOON yon ngayon isa nalang!! hahahaha at kebs kung gusto pa natin umorder ng extra rice tayo naman ang nagbabayad non!! LOL
Sinong nagsabing kasalanan ang umorder ng extra rice? Sino? Sino? Eh ano kung malaki ang tiyan? Madaming pagkain sa bahay, mayaman eh. Hahaha. Joke lang. Ang tagal ko pinangarap tumaba, ngayon ang hirap pala ng lumolobo. Pambihira!
parang gusto kong magpansit bigla. wahaha at tama di kasalanan ang umorder ng extra rice!=D
Dito sa Saudi hindi uso ang extra rice, ang kapal naman ng mukha mo kung hihingi ka pa ng extra rice matapos kang bigyan ng ga-planggana na kanin hahaha. Oe tama ang hirap magpapapayat, napapamura ako ng madalas sa tuwing papasok ako ng opis ng hapit na hapit ang suot
e kung gutom ka nga naman bakit kelangan magpigil.
So, ang pancit, tulad ng canton ay hindi pampahaba ng buhay kundi pandagdag pala ng buhay hehehehe
“Simple lang naman, kung gusto mong humaba ang buhay. Maging masayahin, laging ngumiti.”>>>>>Sooooo trulili itetch
Ako ay mataba at mabilog na tyan… kaya natuwa ako sa blog mo. I raised my beer to you. (pulutan pancit canton spicy ha?)