Bukod sa abortion, uso din ang pag gawa ng new year’s resolution..pwe!

4 01 2012

Wala ng mas nakakasuya pa sa mga taong babad sa mga social networking sites na puro update sa buhay ang gustong ipangalandakan sa internet. At sa nag-daang kapaskuhan at bagong taon, halos lahat at bumabait, lahat ay gustong mag-bago at gustong magkaroon ng syota. Bati dito, bati doon. Happy new year dito, happy new year doon. Like dito, like doon, comment dito, comment doon.

Mabahong utot.
Dumura ng kulay berdeng plema .
Sumuka ng patis.
Nagtanim ng puno.

Lahat ng walang kwentang update sa buhay ay kailangan ng ipaalam sa lahat, uso ‘yan. Ano naman pakialam natin dito at mas wala tayong pakialam kung ‘yan lang naman talaga ang update nila sa buhay. Kesa naman sabihin mo sa lahat na naka-one night stand mo ang isang lalakeng matagal ka ng may pag nanasa na may swabe bigote pero imposibleng mangyari yun dahil sa ubod ka ng taba at isa kang estapadora.

Bukod sa abortion, uso din ang pag gawa ng new year’s resolution. At siempre kung meron ka nito, dapat ikalat mo. Mga leche kayo. Nag tatanong rin ako, meron bang chinese new year resolution ang mga chinese?

Ayon sa survey, may mga malimit at gasgas na mga new year resolution. Okay, imbento lang yung karamihan.

1. Mag papakabait.
2. Mag sisipag pumasok sa eskwela, mag aaral ng maayos, magtitipid at hindi kakain sa reces para may pang-dota.
3. Mag sisipag sa trabaho.
4. Ang 2011 ay binigyan ng kahulugan ang buhay ko, sa 2012 ang taon na magbibigay naman ng kahulugan ng pag-ibig. Bibigyan ng kahulugan ng pag ibig.
5. Magiging positibo, aalisin lahat ng negatibo para umasenso.
6. Magdi-diet, magpapalaki ng katawan, magpapakahealthy, magiging tambay sa gym, magpalaki ulit ng katawan at maging bakla.
7. Hindi na mag-popose ng hubad, nakadapa at ilalawit ang dila.
8. Makabili ng kotse, bahay at lupa.
9. Mag pakasaya, hindi hahayaang nakawin nino man ang ligaya.
10. Magkaroon ng isang mahiwagang bigote o bagote.
11. Titigilan na ang pag gawa ng sex video at indie film.

Wala ako ng ganyan, wala akong new year’s resolution dahil kontento naman ako kung ano ako, wala akong bisyo, di ako naninigarilyo, umiinom, nambababae at ang tanging bisyo ko lang ay umibig nang umubig. umibig. umibig. umibig. Di ako gwapo, pero atleast di ako bakla, solve na ako dun mga bayaw.

Pero dahil sa pag tatae ko nagkaroon nang direksyon ang buhay ko. Matapos ang gitgitan para makasakay sa bus, tumayo ng dalawang oras para lang makaluwas. Matapos kong matunghayan at mapagmasdan ang mag-iina na lumuluwas bitbit ang 4 na anak at isang sanggol na dumedede sa kanyang ina. Matapos ang matinding sakit ng migraine dahil sa matinding sinag ng araw. Matapos matutong manalangin na sana hindi bumulwak ang tae sa pwet ko gawa ng katakawan sa pakwan. Matapos tumalas ang isip at mag plano kung saan ako tatae, kung papara ba ako at bumaba para sa damuhan nalang iparaos. At huli na nung napagtanto na wala sa plano ko kung saan makakabili ng wet tissue.

Ako ay…
nahabag…
natutong dumiskarte at magplano…
nagtiis…
naging maka diyos…
at nagpasalamat…

Nagpapasalamat ako sa mga oras na ‘yun na palabas ang Eat Bulaga at sinabing may malapit na Puregold sa Cubao. Presto, tanaw ang Puregold, Nahanap ko ang Puregold. Parang nakahanap ng isang tunay na pag ibig sa hindi mo inaasahan. At may mercury drug para makabili ng wet tissue.

Muli akong napaisip, at sa oras na yon, inisip kong hindi ako magkakaganun kung nakinig ako sa nanay ko. Iba talaga ang payo ng magulang, hindi ka ipapahamak, hindi ka dadalhin sa iyong kapahamakan. Sana nakinig ako, sana wala ako sa loob ng kubeta ng Puregold at tumatae. Isang malakas na buhos  ng tae sa inidoro na may kasamang buto ng pakwan habang nagsisisi.

Kaya ngayon, ang new year’s resolution ko ay “makinig sa magulang lalong lalo sa nanay ko.”

Sana pinakinggan kita, tumawa ka lang kasi mama. Sana sinabi mong seryoso ka.
Dahil kung nakinig ako sa nanay ko, malamang nakadiaper ako.

“Bago ka bumyahe, magsuot ka ng diaper baka matae ka.” – ┬áMother knows best.

About these ads

Actions

Information

12 responses

4 01 2012
Rence

Next year, try mo naman ang langka.

4 01 2012
Rence

Nag-post kaagad e hindi ko pa nai-type yung aking site. =) Kaya eto. comment uli

4 01 2012
tabianmuch

“Parang nakahanap ng isang tunay na pag ibig sa hindi mo inaasahan. ” LOL
ayush yung pagkabitaw ng analogy sa pagkahanap mo ng Puregold…tawang tawa ako ser! :D

5 01 2012
- Bagotilyo

hahaha … sino bang hindi makakarelate sa moment na yan…

hays answered prayer ..

nakikinig ang langit…
:D

5 01 2012
Sphereq

hahaha ikaw na, ikaw na ang may tanging bisyo ay umibig nang umibig. umibig. umibig. umibig.

5 01 2012
Yow

Haha. Makikinig nga kasi sa Nanay. Tama nga naman! LOL. Parang ako din yung nasa eksena. Happy New year!

Wala din ako resolutions, lagi ko namang hindi natutupad.

5 01 2012
McRICH

solid ang post na ito, kakaaliw!

5 01 2012
superjaid

lintek na yan. napatawa ako ng malakas pinagtitinginan tuloy ako dito sa food court dahil nambabarat ako ng wifi hahaha kaloka talaga

5 01 2012
WP

Nag iisip akong gumawa ng new year resolutions ek ek na yan buti na lang hindi ko tinuloy kung hindi tinamaan na naman ako dito lels, pero panalo yung umibig ng umibig ng umibig ng umibig huh!

Happy New Year Boss!

6 01 2012
L

naka ng! at may ebak chronicles ka rin pala, super b. nagkakiskisan na pala tayo ng siko sa kfc at chowking, di ka man lang nagparamdam. sana kinurot mo ‘ko sa singit sabay sabing ikaw si super b para makaganti man lang ako ng kurot sa utong. XD

hapinuyir pre! \m/

7 01 2012
kikomaxxx

hahaha ayus to ah.. buti nalang sa ganitong pagkakataon in good terms kami ng tiyan ko.. hahaha

8 01 2012
Super G

No. 1 rule ko ang pagtae bago umalis ng bahay kahit gasgas na gasgas na ang number 1. Minsan nga hindi na ako nakakaalis kapag ayaw lumabas ng tae sa puwet ko. Pero kapag kailangang-kailangan, umaalis pa rin. Sanay naman akong tumae sa mga kadiring c.r sa mga terminal.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 112 other followers

%d bloggers like this: