Makatang Lover boy

29 12 2011

Ang panliligaw ay walang kasiguraduhan, pwede kang manligaw, pwede kang payagan manligaw, pwede siyang mag-paligaw. Pwede ka nyang sagutin o pwede kang mapurnada. Busted! Ang panliligaw ay parang pag bili ng supplements - “No approved therapeutic claim.”No guarantees. Pwedeng may epekto, pwedeng wala. Malay mo meron. Pwedeng makagaling, pwedeng hindi.

Mapaglaro ang mga babae, pag iisipin ka nila – Mind Games. Sige manligaw ka, pwede kitang sagutin, pwedeng hindi.

Pero para sa mga kalalakihan, mag-ingat kung kanino ninyo isusuko ang puso ninyo, ang pag-ibig ninyo. Pero siyempre, tao ka’t nag-mamahal. Kaya kung may plano ka na isuko ang lahat lahat para sa babaeng ‘yun. Kung may plano ka na i-text/tweet at iparamdam ang concern mo, just a WARNING: Be careful who you surrender your heart to. And be mindful about your actions. They don’t need it, they don’t care about your long epic text/twitter message; your blow by blow account of your day.

Da’ moves message: 12 Noon. – Kumain k n b?

Message: Hi Chelsea, kumain ka na ba? ‘Wag kang papagutom, baka malipasan ka ng gutom. :)
Response: Oo Lunch time na eh, alas dose na. Tao ako eh, marunong din akong mag-mahal, marunong din akong kumain at nagugutom din ako. Hu u po?

Da’ moves message: Blow by blow account of your day

Message: I’m sitting at my desk now, sipping mocha frap coffee from Starbucks while starring at the skies and the radiance of the sun. Suddenly reminded me of the innocence of your face and I’m a slave to it, really. And this is the reason why I’m so in love with you. I’m looking forward to the day that we can have a quiet walks under the sun or under a rainfall. God bless.
Response: Kelangan ko bang malaman ‘to? Ano ka nasa giyera? Nasa disyerto, nagbubungkal ng gasolina?

Kung may plano kang sumulat ng isang heartwarming love letter. Mag-ingat, siguraduhing siya na nga. ‘She’s the one.’ Kung hindi, magdasal ka’t pwedeng mapunta ang love letter mo sa mga maling kamay.

Dear Chelsea,

I wrote a poem for you, this is a symbol of my love. -

Baby, I’m-a want you
Baby, I’m-a need you
You the only one I care enough to hurt about
Lately I’m a-praying’
That you’ll always be a-staying’ beside me.

Moving forward to the day that we could stand quiet walks under the rain or under the sun.
Watch and thank all the stars above, watch the universe under the moonlight shine.
And I hope this never ends.

Love,
Evo.

Mapupunta sa mga maling kamay, what if napunta ito sa babaeng hindi ka gusto, yung hindi ka sasagutin o kung sagutin ka niya ay ‘I can oly love you as a brother’ And what if, habol niya lang sayo ay bentahan ka ng insurance?

Asahan mo na headline ka na sa kanyang mga evil support group ang tinatawag nyang inner circle of friends!

Chelsea: Girls! Girls! My god! Tignan ninyo ang sinulat na love letter para sa akin ni Evo. My god, may Evo Evo pa nalalaman si Primitivo. Pinabangong Primitivo lang naman ito.

At ang masaklap, sa susunod na dadaan ka sa teritoryo ng babaeng pinopormahan mo, mapapansin mong pinag uusapan kana sa likod mo, lahat sila ay may code name sayo.

Code name: Lover boy
“Ayan na si Lover Boy. Pare napaka poetic niyan.”

Code name: Budoy
“Pare binata na si Budoy, umiibig na. Tumutula na.”


Actions

Information

11 responses

30 12 2011
apollo

natawa ako dito. nakakarelate ako dito bilang isang lalake. ang hirap talaga ng lugar natin. subukan kayang manligaw ng mga babae? :D

30 12 2011
Monik

HAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHHA! Laptrip sa Primitivo! HAHAHAHAHAHA! Hirap din ng ligaw eh no. Pakiramdaman.

30 12 2011
joeyvelunta

wahahahaha. ume-air supply si Primitivo tapos busted, mukhang nabentahan lang ng Insurance. Wa epek ang blowbyblow of the day

30 12 2011
sphereq

Kanina lng nkatanggap ako ng message sabi nya Im sitting drinking coffee and suddenly reminded me of the innocence of your face and im slave to it, really. and this is the reason why I’m so inlove with you. I hope this never ends. I believe. shaks na yan dito nya pala kinopya yon hahaha

Ayos ang heartwarming love letter ni Primitivo my “God bless” sa dulo activan si primitivo hahaha

30 12 2011
tadonggeniuskuno

Agree 100% #NapadaanLang :)

30 12 2011
tulalangtala8

Benta balentong!! reshare ko ah!

30 12 2011
Yow

Ganyan nga ang mga babae. Madaming pahirap, madaming pakipot, gusto na din naman, pero ayaw pa ding pahalata. Hahaha. May pinanggagalingan? Pero walang magagawa, dadaan talaga dapat sa ligawan.

30 12 2011
bagotilyo

hahahha .. natawa ako dito…

at maka “bread” ang kanta este tula …

kala ng mga babae sila lang ang nahihirapan ..

layp is amper :/

30 12 2011
Unni

evo :P
huk…‘I can oly love you as a brother’ atleast brother hehe,,,sorry busted si evo,,,wrong mga moves nya eh :P
or choosy lang talga si chelsea??
pakilala mo si evo ng maturuan ko ng epektib moves lol…

2 01 2012
Ungaz

bwahahahahahahaha!!!!ayoz…pasok sa banga. good luck naman balentong.Happy new year!:)

4 01 2012
salbehe

Natawa ako sa bentahan ng insurance. Binebentahan ka pa din ba ng insurance nung babaeng kinukwento mo dati? In all fairness to her, ang tyaga ni ate.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 740 other followers