Dakma

9 06 2011

Bukod sa mga naglalakihang malalaswang larawan ni Dingdong Dantes at Jake Cuenca at yung kumakalat na profile picture nung isang lalake di tiyak ang kasarian na nakahubad, nakadapa at nakalabas ang dila, madalas ding makita ang mga massage parlor, oo tama ka, hindi lang mga motel ang nagkalat.

Halinghing, Luwalhati, Maharlika – iilan lang ‘yan sa mga pangalan ng mga massage parlor, pangalan pa lang alam mong may katahimikang umaalingawngaw sa loob, na may mga nakakubling misteryo sa bawat hagod at pisil ng mga masahista.

Pero huwag kang mapanghusga, pangalan lang ‘yan.

  • Halinghing  - “Sa bawat hagod, hahalinghing ka sa sarap.”
  • Luwalhati  - “Sa bawat pangangalay, may luwalhating nakaantabay.”
  • Maharlika“Dahil tatratuhin kitang isang maharlika, ituro mo, dudutdutin ko.”

Pagpasok mo pa lang at aabutan ka ng sobra sa laking salawal at nagmumukha ng kursisilyo sa laki, iisa lang ang papasok sa isip mo kung ang huling taong nagsuot nito ay may alagang dikya sa singit na puwedeng maghatid sayo ng kakaibang pangangati.

Para sa iba, sagrado ang mga lugar na ‘to, lalo na sa mga taong nangangalumata dahil sa kakatrabaho, kailangan ng mga kakaibang pisil at hagod para makahugot ng lakas at makapagsimula na may kakaibang pakiramdam. At sa iba ito ay mainam na lugar para sa naghahanap ng panandaliang aliw at paglasap ng tamis dulot ng pagtikim ng pulot-pukyutan.

Maituturing ding banal na lugar ‘to, kahit kababuyan ang ginagawa ng ibang tao. Dahil sa sarap ng hagod, paghalinghing at pag ungol, naaalala nila ang dakilang lumikha. Nagiging madasalin, at bigla na lang alingawngaw na “Oh Diyos ko po, ang sarap.. sige pa.” Pero kung nabitin at kulang sa hagod, malamang ang adhikain mong lumigaya ay mauuwi sa pagka-lugami. Pero ang tanong, paano mo malalaman kung malinis at desente ang isang SPA o massage parlor at ang mga masahista?

1. Aquatico – Pagpasok mo pa lang sa yungib ng mga tagalamas ay merong isang aquarium na tatambad sa’yo, pero hindi mga isda kung hindi mga bababeng masahista at mga nagtitipid sa tela. Naghahatid ng kakaibang masahe na may kasamang romansa sa isla aquatico.

2. Extra service - “Sir Gusto ninyo ng Extra service?” Ang extra service ay hindi limitado sa paglilinis ng tenga, pusod o panghihilod. Indikasyon na kapag tumanggi ka sa extra service ay kapag minamasahe ka na sa baba ay panay kalabit lang sa betlog mo. Kahit anong buka mo, hanggang panggagalabit lang ang iaabot sayo. – no more no less, hanggang bumigay ka, bawal ang dakma.

3. SPAkol – Masahista, hindi tubero pero maaasahan sa paglinis ng tubo, self explanatory. Kung hindi mo pa rin maintindihan, SPA na may kasamang jakol.

4. SPAdahanHindi ko alam bakit kailangan natin ng mga masahistang lalake. Sino ba namang matinong lalake ang papasok sa yungib na puro barako at hahaplusin ang kuyukot mo, at kakamutin at hihimasin ang bawat peklat mo sa katawan? boksingero lang at mga taga WWF lang ang merong tsimoy at masahista sa likod nila. Pero sa SPAdahan, malimit magkaroon ng hotdog party, iskrima ang paboritong laro at ang mga parokyano ay mga lalakeng di tiyak. May special service na inaalok, ito ay ang paglalabatiba o paglilinis ng puwet o pagtutubo. Hindi naman sila tubero, mga masahista sila.

5. Mananaggal – Ang mga masahista ay hindi lang puro dutdot at himas, sila din ay mananaggal, manananggal ng salawal. Nakakapanibugho at masasadlak ka sa kahihiyan kung alam mong puro peklat at kulay libag ang kuyukot at puwet mo at sa isang iglap lang ay nakakababa na ang salawal mo ng walang paapaalam. Panunukso ba ito?

“Hindi mo mararamdaman ang ligaya sa bawat hagod o haplos, dapat sinasamahan ito ng pagmamahal kasama ang espesyal na taong gagawa nito na may kasamang pag dakma.”


Actions

Information

44 responses

9 06 2011
Pong

hahahaha,
matda ku talaga keka, pasok lahat ng 16 words.
pasok na po kayo sa SPA Center.

hahahaha
murit anapin.

ingats sir.

9 06 2011
kikomaxxx04

nice.. hahaha… pang-apat na maharot… hahhaa

9 06 2011
Rainbow Box

parang may basehan at pinanggalingang experience ang post na ito. san ba pinakamasarap ser?

9 06 2011
Yow

Hahaha. Entry pala ito sa KM2? Haha. Natawa ako dun ah? Ang tagal ko di nalibot dito. Di pala nagupdate yung nasa blogroll ko. Haha. Parang may experience sa spa ah? May pinanggagalingan. hahaha

9 06 2011
WP

Bakit ba hindi na ako nagulat sa titulo ng entry mo SB! “Dakma” Lols

At bakit kailangan maglabatiba? Ano yun di natunawan? bwahahahaha

9 06 2011
Sphere

Parang danas na danas ah Pasok n Pasok ang mga magic words habaha

9 06 2011
khantonto

bakit walang km2 sa title? ahaha.

parang hustler na sa spa services ah. ahihihih. like. like. like

10 06 2011
Michael

LOL. Parang sobra naman ito sa word limit e. Saka kulang sa mga magic words, hindi ko yata nabasa iyong pakshit na lugami na pinahirapan ako sa entry ko! LOL. :D

11 06 2011
superbalentong

haha, merong lugami ‘yan. pagka-lugmi.

9 06 2011
duking

tingin ko, wala nang masasabi si jkulsap sa lahat ng mga lumahok.

yung iba, kakaibang sining at pagkamalikhain ang ipinamalas,to namang sa’yo sir , wala na akong masasabi kundi lutang na lutang ang pagbabahagi ng kaalaman.

ang tanong na lang, tumatanggap din ba sila ng credit card?hahaha!~

10 06 2011
kuya mao

base on experience boss? nice! :)

10 06 2011
palomah

yown oh! isa pang malupit na entry ito! ikaw na!

10 06 2011
J. Kulisap

Maraming salamat po sa pakikilahok sa Kamalayang Malaya 2.

Ito po ay Kalahok Bilang 43

43 KM2: DAKMA
Super Balentong Pampanga

12 06 2011
superbalentong

Taga isla busilak ako.

13 06 2011
J. Kulisap

Lawit dila.

10 06 2011
aninipot

di na ako nagulat na ito ang nabasa ko..hahahaha

ineexpect ko na sa bawat pagpunta dito. :D

12 06 2011
superbalentong

nagkakamali ka.

13 06 2011
Karen Anne Trinidad

hindi kami nagkakamali. hahaha

10 06 2011
BestFriend mo dun!

Nice Pare!… mukhang lahat na experience mo ah!…

12 06 2011
superbalentong

Hindi pare, dun lang tayo sa legal at masarap humagot.

10 06 2011
I am ME!

Haha.. makatotohonan. Based on experience ito ano? Alam na alam eh. hehe..

10 06 2011
Kristian

Astig ng post! ang kulet! Hindi ko nahalata nung una na entry to sa KM2. haha. Accomplice ka ba sa mga police na nagre-raid ng mga massage parlor na may extra service? haha

10 06 2011
Michael

Ang husay talaga! Hustler na hustler sa mga totoong pangyayari sa ating lipunan … Kabunyi-bunyi lang! Ahahahahah … :D

11 06 2011
ricodebuco

hahahaa alam na alam ha hahaha at pansin ko hindi matapos tapos ang lalaking nakahubad, nakadapa at nakalabas ang dila…series na ata eto hahahha apir! ahahha

11 06 2011
Zen

daming alam.. hehehe.. =)

11 06 2011
Bino Montilijao Bautista

may katotohanan ang post kahit na malaswa para sa ibang mambabasa

11 06 2011
iya_khin

base on experience ba ito? muntik na akong malaglag sa aking inuupuan! ahaha! pahagod nga isang beses sa aking kuyukot! ahahah!

12 06 2011
goyo

Tang na ser panalo ang post na to! Haha.

At akalain mong kasali pala ‘to sa pakulo ni JKul. Kapag hindi to ang nanalo don, magsasara ako ng blog. Hehe.

12 06 2011
superbalentong

Pare, ‘wag naman, ‘wag mong isasara. maraming matitigang.

Di naman, maraming malulupet dyan.

12 06 2011
Unni

naks ikaw na ang may entry paul pabor wakuku~~~
jusmi may pinaghuhugutan ka ata sa entryng itetch
nice one paul~

12 06 2011
katrinadanieles

ahahaha! XD nakabigay na ako ng puntos sir! alam na alam talaga ah.napatwa ako sa paggamit ng dikya. hahah

13 06 2011
joeyvelunta

Wala ka pa ring kupas boss. hahaha Aliw!

13 06 2011
Karen Anne Trinidad

ang daming alam! baka dati ka ring masahista? joke lang hehe

14 06 2011
salbehe

HAhaha! Nung binasa ko hindi ko akalain na kasama ito sa KM2. Ang galing ng pagkakapasok ng 16 magic words, hindi ko napansin.

18 06 2011
J. Kulisap

Bugoy, asan na ang score mo? Kainaman.

Bulok na ako sa kaka-antay ng score mo. Hehehe. Akina na.

18 06 2011
superbalentong

ako na lng ba ang walang score? kelan ba ang deadline? hahaha

20 06 2011
taga-bundok

Marami niyan dito sa disyerto. May home service din. Yung iba dito, extra income kasi nila yung pagmamasahe, secondary na lang yung sex. Pero, ewan ko sa kanila. Karamihan pa nga dito mga Arabong malalaki ang pangangatawan ang naghahanap ng aliw sa mga Pinoy na masahista. Kaasar lang kasi, nakakababa ng tingin sa iba. Minsan kasi may magtatanong, may mag-aalok, may nambabastos din.

7 07 2011
Jaypee

hahaha. aydana mipakayli ku keng post ayni. natuwa ako sa blog mo par! gujab!

19 07 2011
cheesecake

sanay na sanay ser! di pa ako nakakapasok sa ganyan. virgin ako sa ganitong bagay hehe.

20 07 2011
pusagandanglahi

Reading is knowledge talaga.hahaha. just got learned.hahaha

dumadaan.:))

26 07 2011
Maureen

LOL.. ayos!

2 08 2011
krisjewel

madami ka talagang matutunan sa bawat pasyal mo sa mga blog house….

uso na pala yan sa manila….

sure kung meron din sa lalake nyan, baka meron din sa babae…hahaha….

napadaan lang po….

ingats…

29 08 2011
adz adz

haha ikaw na ang batido ser! hehe

29 08 2011
jag

hindi halatang hindi ka naglalagi sa mga massage parlor LOLZ!

dami kong tawa!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 741 other followers