Share the fun this summer

13 05 2013

Kelan ka ba huling nag reklamo gamit ang facebook tungkol sa init ng panahon? Nag lagay ka rin ba ng status sa facebook na “Ang panahon ngayon ay parang ako lang, sobrang hot” O kaya “Ang sarap ng sisig na kinain ko kanina parang ako lang, sizzling hot.” Pero hindi bale na, sobrang init pero hindi ramdam kung tumaas ba ang demand ng rexona o tawas. Ang alam ko lang madami pa ring baskil at yung mga taong nakasando na nakakasakay at may mga nakabaging na tinga ng deodorant o hindi nalusaw na tawas sa buhok sa kilikili.

Kelan ka ba hindi nagreklamo at nagsabing “Ang Init!”?

Hindi talaga bagay sa Pilipinas ang may BANGS na hairstyle dahil mainit at maalikabok, kapag nagdikit dikit ang buhok sa oily na nuo, para kang dinilaan ng baka. Naranasan mo na ba na sa FX na itutok lahat sa mukha nya ang aircon? O kaya nabiktima ka na ba ng isang tao na kukunin ang electric fan na kung saan ka nagpapahangin, itututok sa harapan niya at ilalagay sa number 3? Hindi bale sana kung sa side niya ito nilagay at mahahagip kapa ng hangin, pero hindi. Para sa mga ganitong klase ng tao ito lang ang masasabi ko “Pare paikutin mo naman ang electric fan, hindi lang ikaw ang naiinitan/pinagpapawisan. Why don’t you share the fun.. The electric fan.”

justnastybooty

picture mula sa google

Dahil nga summer, marami ang naka-pekpek shorts, tapos naka boots (Hindi ba tag lamig lang ito ginagamit?). Pandagdag ng ganda sa ganung klase ng porma, panipisan at pakontian ng telang nakapulupot sa katawan. Yung tipong mas marami pa ang nailagay na make-up sa mukha kesa sa suot nila. At pwede mong malaman o makita ang dark side ng isang babae base sa kanyang suot kagaya ng pekpek shorts. Paano? Ganito ‘yan – maliwanag naman pero bakit maitim? Against the light naman pero bakit ang itim ng paanan ng puwet? Dark side ng isang babae. Paano naman kasi, mas maiksi pa ang shorts kesa sa gustong takpan. At seryoso, oka lang mag pekpek shorts bata huwag lang  sa may bayag. O sa mga tinatawag na BAYAG, Alanganing BAYaw at alanganing hipAG.

Ngayong tag-init, siyempre uso ang swimming, outing. At sa bawat resort o beach na pupuntahan ay may isang malupet na rule – “Proper Swimming Attire”. Anong ibig sabihin nito? Yung kasuotan akma sa pag ligo sa beach o pool, yung katulad ng suot ni Pamela Anderson sa Bay Watch at ni Hayden Kho sa… Wala pala siyang suot doon. Maling mali yung lulusong ka sa dagat o sa pool na naka Kobe Bryant basketball shorts para sa lalake o yung maong na pantalon at pinutol at ginawang shorts at gagamiting pang swimming. At ang masaklap ay yung mga naka two piece daw sila pero pinatungan ng isang malaking T-Shirt at isa pang shorts. Hindi mo na maintindihan ang lohika ng marami, sana sumabog ang mga bulkan sa ilalim ng dagat.

Uso ang selfie, yung kukunan mo ang sarili mo na parang gwapong gwapo ka sa sarili mo pero kahit alam naman natin na malaki ang problema mo sa pag mumukha mo. Bukod sa mga selfie na album, nagkalat sa facebook ang mga album na may pangalang “Summer”, “Boracay”, “El Nido” at “Batis ng kaginhawahan resort” at ano pa nga ba ang laman nito? Tama ka kung iniisip mo yung nakalublob sa pool, sa beach, at siyempre hindi mawawala yung mga naka two piece.

Bumabaha ng pekpek sa facebook sa mga album na ito, seryoso. Pero sa totoo lang ang mga pictures na yon ay mga patibong sa mga kalalakihan, hindi para sa atin ang mga pitures na ‘yon kundi para yon sa mga kaibigan nilang babae upang ipagyabang kung gaano sila pumayat, anong suot nila at kung saan sila pumunta. Problema nating mga kalalakihan ito, dahil nga patibong ito. Limitado ka sa pag-Like dahil mababansagan kang stalker lalo na kung pangit ka, masaklap ay manyakis. Kung gusto mo naman mag comment doon sa kaibigan mong naka two piece, limitado ka lang sa mga pwede mong i-comment kagaya ng “woooot”, “Sexy naman”, “Nice” at “Saan yan? Bora?”. Hindi ka pwedeng magcomment ng “WOW” dahil basa pa lang sa comment mo ay parang lumuwa na ang mata mo sa nakita. Pero kung tutuusin masarap mag comment ng kagaya ng mga ganito: Read the rest of this entry »





Bakit kailangan may masaktan

7 04 2013

Bakit kailangan may masaktan sa pag-ibig?
Huwag po kuya masakit diyan baka magising si ate, yari tayo. Yari tayo!
Huwag po kuya masakit diyan baka magising si Junior, isumbong tayo. Isumbong tayo!

Bakit kailangan may masaktan sa pag-ibig?
Huwag po kuya may regla pa po ako, baka mamantyahan ang brip ninyo, yari tayo, si ate ay mitikuloso.
Noong sinabi ni ate na pagbutihan ko po ang pagsabon at pagbanlaw, sa mga damit po ‘yon hindi po sa inyo. Hindi sa pagligo ninyo.

Noong sinabi ni ate na pag silbihan kita, pero hindi ganito.. Hindi ganito… Bakit kailangan may masaktan sa pag ibig? Huwag po koya, Masakt diyan. Paparating na si Ate, mahuhuli tayo, yari tayo.

Bakit kailangan may masaktan… Sa pag-ibig?

- inday





Pang Romansang Katawan

18 03 2013

 Pang romansang katawan, ito ay pinag hihirapan, ito ay pinagpapawisan. Literal na pagpapapawis.

Paano nga ba makakamtan ang isang perpekto, macho, sexy at pang romansang katawan? Diet? Excersie? Sex? Hindi ko alam, maraming nagdi-diet at kumakain ng malulungkot na pagkain – oatmeal, gatas at coco crunch from universe. Pero may napala ba sila?

Bukod sa nakakarindi at nakakasawang salitang kagaya ng “bonggang bongga”, madalas natin marinig ang “Magpapapayat na ako” at “Mag di-diet na ako”. Lalong lalo na kapag summer. Tag init na naman, kailangan handa ang mga pang romansang katawan sa mga swimming pools, beaches at sa mga buhanginan. Sobrang init na tipong magjajabar o magbabaskil ka, kaya minsan lalo na ang mga kalalakihan doon sa kanto sa may Jonalyn’s sari sari store ay naka hubad. Walang pang itaas at nakasuot lang ng maong o basketball shorts, ito ang pormang tambay, pormang bayaw. Ipinapangalandakan ang pang romansang katawan.

Nagpapakita rin ng pang romansang katawan ang iba sa kwartong may aircon, malamig at cable pero walang bintana (At ang sabi doon sa balita ay masarap daw ang half fried chicken nila). Sila yung mga taong nakakaramdam ng kakaibang init sa katawan o yung libog na tinaktakan ng malasakit at binudburan ng aruga o yung tinatawag nating pag ibig.

Kaya masasabi kong kailangan talaga ng isang tao na magkaroon ng isang matipuno, matikas na pangagatawan o sa mga babae naman ay sexy. Kailangan natin magkaroon ng isang pang romansang katawan. Kelan mo ba huling nasabi sa sarili mo na “ang luwag na nitong pantalon ko ngayon.”? Ako, kanina lang. Kapag nasabi mo na ito, makakaramdam ka ng kakaibang pakiramdam at mapapaisip ka at magtatanong. May katawan na ba akong pang romansa?

Importante ang may pangromansang katawan. Tamang laki ng tyan, bewang, timbang at mga muscles na naayon sa pagbukol, sa tamang lugar at dapat kaaya-aya sa paningin. Pangromansang katawan na pwede kang lumabas na bida ng pelikulang pinamagatang “Diligan mo ng hamog ang uhaw na lupa”. Baka dahil sa wankata mo ay makabighani ka ng karomansa – parang bastos lang basahin pero hindi ‘yon ang ibig kong sabihin, at tuluyang magkaroon ng romansa ang iyong buhay. Amoy romansa ang simoy ng hangin.

Mahirap yung may kakaibang bukol lalo na sa dibdib, baka breast cancer yan o sa lalake naman sa bandang ibaba ay baka luslos yan o kaya naadik kana sa pag inom ng Robust dietary supplement for men na may sangkap mula sa horny goat extract na nakapagpapasaya kay misis.

Hindi lang dapat ang tyan ay pang Bora o dapat pang beach volleyball na ang abs. Dyahe lang kung sobrang laki ng katawan mo o sabihin na nating mataba, dahil sa boxing at wrestling lang ang may heavyweight division, wala sa swiming, wala sa beach volleyball, wala din sa pagtampisaw sa dalampasigan. Baka mapagkamalan ka pang heavyweight champion kapag naka suot ka ng swimming trunks at hanapan ka ng championship belt.

Hindi lang dapat may pang romansang katawan, may mga preparasyon din sa ibang aspekto kagaya sa ibang parte ng katawan. Dapat magbigay ka ng tiwala sa gillette razor -may dala itong pangako sa mga lalake, ahit pogi daw at kinis gwapo. mag-ahit ng mga balahibo sa katawan. Lalong lalo na sa babae, hindi cool ang balbon. Hindi cool ang may buhok sa kilikili habang nagtatampisaw, ang buhok sa legs at lalong lalo na buhok sa singit. Seryoso, buhok sa singit? Oo. Masakit sa mata na makakita ng naglalambitin at nagbabaging na buhangin. Ano na lang ang iisipin ng mga makakakita? Virgin forest papunta sa yungib kung saan matatagpuang ang diwata ng Romblon? Pinapatay ko na ang debate tungkol at kung ano ba dapat ang kulay ng utong. Pink, brown o itim? Nasa genes ito, magpasalamat ka na lang at may utong ka, yung iba nakapikit o inverted. Iba pa rin yung may bumabakat, lalo na sa utong. Hindi requirement ang pagbakat ng utong, pero incase na umahon ka at hindi sumabay sa bag ahon ang suot mo baka mapapikit sila sa makikita nilang nakapikit na utong, ang masaklap may balbon pa o weneklek. Pero ang pinakaimportanteng bagay na dapat gawin bukod sa paghubog ng isang pang romansang katawan para sa paghahanda sa summer ay ang pangungulangot. Tama, mangulangot muna bago maglublob. Dahil madalas kapag umahon ka lumalabas din ang kulangot na madalas ay kulay puti na nakalambitin sa ilong mo.





Para makaiwas sa Machupapa

8 02 2013

Maraming unwritten rules ang pag-ibig. Hindi mo gagawin dahil hindi dapat. Para itong pag-dura ng plemang kulay green in public o pangungulangot at ipipapahid ang nasungkit sa ilalim ng lamesa o sa likuran ng upuan ng bus.

Pero hindi lang sa pag-ibig ang maraming unwritten rules, pati sa pag-pili ng lalakeng makakapareha, lalo na sa mga babae na hanggang ngayon ay natutulog pa para managinip at mangarap na sana balang araw ay magkaroon sila ng tinatawag na “Boyfriend”.

Magbibigay ako ng tips kung paano kayong mga babae ay hindi maiisahan ng isang Rustom Padilla. Importante na pagtuunan ninyo ito ng pansin at pasalamatan ako kung may mapulot man kayong aral. Gawin ninyo itong batayan, bakit? Dahil sinabi ko.

  1. Hindi dapat nag susuot ng ternong Puting sapatos at Puti Pantalon. Depende na lang kung DOM o kaya Golfer, DOM na Golfer.
  2. Hindi dapat nagsusuot ng Square neck sando, V-Neck T-shirt at Itim na sando.
  3. Hindi dapat BoyBand / K-Pop Fanatic – Paano nya i-rorock your world kung mas inuunahan ka pang sumabay sa mga nakakalason sa pandinig na kanta ng back street boys at one direction.
  4. Hindi dapat naka-tuck in ang damit sa loob ng brief. Ang tunay na lalake ay may tae sa brief, hindi sa likod ng layayan ng t-shirt.
  5. Dapat nandang mag text ng tsup tsup mwah mwah – Seryoso, madaming relasyon ang nasira dahil walang kiss ang text message.
  6. Dapat Safeguard lang ang sabon ng tunay na lalake, wala silang ibang sabon para pansabon sa puwet o paa. Bukod pa ito sa nakamamatay ang safeguard ng 99% ng germs.
  7. At hindi nag-coconditioner.
  8. Hindi dapat nag paplantsa ng buhok para umunat ang bangs.
  9. Hindi dapat nag papafacial.
  10. At hindi dapat naliligo na lampas sa 15 minutes, kasama na ang pag jebs.
  11. Hindi dapat nahihiyang kumain ng oat meal. Joke.
  12. Hindi dapat kulay pink na braces sa ngipin.
  13. Dapat nag uulit ng pantalon.
  14. Hindi dapat bumibirit ng “Through the fire” sa pagligo o sa public.
  15. Hindi dapat nagpapahid ng lip gloss.
  16. Dapat walang alam sa chismis o showbiz at lalong walang pakialam sa Gerald – Maja – Kim Chu.
  17. Hindi dapat nagbabanggit ng “Peg”, “Bet ko”, “Delicious”. Seryoso? Sinong lalake ang hindi nagpapahalaga ng dangal nya ang nag sasabi ng Bet ko? Malamang palamuti at pambalanse lang sa pag lakad ang ang Betlog non.
  18. Hindi dapat nag susuot ng tsinelas na Havainas.
  19. Dapat mahilig tumingin sa FHM pero hindi gagastos para bumibili ng magazine na ‘yon.
  20. Hindi dapat sumasayaw ng oppah gangnam style… Nanaman.
  21. Hindi nag ba-bake at walang collection ng cook book.
  22. Hindi nahihiyang magkamot ng betlog.

Uulitin ko, ang mga batayan at gabay lang ito para doon sa mga babaeng naghahanap ng tunay na lalake na seseryosohin. Yung mamahalin at hindi gagawin panawid romansa ang mga tunay na lalake sa nararanasang tagtuyot. At para ito sa mga babaeng wala sa ugly zone. Kung nasa Ugly Zone ka, dream on.

Kung hindi kayo sang ayon sa mga sinabi ko sa taas, ayaw ko kayong maging kaibigan. Kung natamaan man kayo, hindi ko kayo hinuhusgahan. Babalikan ko yung lalakeng naka tuck-in ang damit sa loob ng brief, parang may misteryo talagang nakabalot sa ganung gawain. Wala naman akong nakitang babaeng naka-tuck in ang damit sa loob ng panty.

Gawin ninyo itong checklist, kapag may sablay ang tawag sa kanila ay MACHUPAPA.





Ugly Zone

23 01 2013

Sa panahon ngayon, may mga babaeng mas mabilis pang bumukas ang legs nila kesa sa webpage ng google. Pero may mga matitino pa naman na mga babaeng natitira (hindi basta basta tinitira) ang naghihintay ng kanilang “perfect guy”. At isisi natin ito sa walt disney sa mga love stories na may temang happily ever after ang kwento ng kanilang palabas ng mga prinsipe at prinsesa.

“You are like a brother to me.” = Friendzone. Busted ika nga! Supalpal. Tablado.

Kasi naman, may mga simpleng rules lang sa panliligaw ang hindi pa nasusundan ng mga lalake kagaya ng mga sumusunod.

1. Huwag kuripot sa date. Gumastos ka naman, mamuhunan ka.
2. Mag tootbrush, mag deodorant, maligo palagi. Sana araw araw. Kung hindi kaya, sana kapag may date. Sino bang babae ang gusto ng makipag holding hands sa shawarma?
3. Huwag umorder ng makukulay na fruitshake sa date, kagaya ng strawberry o melon. Huwag mong sabihin na paborito mo rin yon pag-kaorder mo.
4. Paimpress. Simple lang tsong. Iwasan ang paghiram ng kotse para magpaimpress.
5. Konyo o pa-english english agad. Ikaw din, baka mabanatan ka ng “Pa-english english ka pa, sipain kita dyan.”

Iyan yung mga simpleng rules na dapat sundan pero imbento ko lang. Imbento lang pero makakatulong para hindi ka sumablay at hindi ka ma-friendzone.

Madalas tayong nakakarinig na “Na-friendzone ako”, kadalasan sa mga lalake. Usong uso yan. Nakakalasap lahat ng pagkabigo sa pag-ibig.

Pero kadalasan kapag may naririnig tayo nang “Sayang, na-friendzone ako ng nililigawan ko”. Ang totoo, 90% ng mga lalakeng nagsasabi nyan ay hindi sila na-friendzone. Pangit lang sila. Wala sila sa Friendzone at nasa “UGLY ZONE” sila.

“Parekoy, wala ka sa Friendzone, nasa ugly zone ka. Babaan mo ang standards mo, masyadong maputi ang legs nyan at ang pangit mo lang. Pag magkasama kayong dalawa mukha kayong ice cream. Huwag ambisyoso.”

Pero mabalik tayo sa mga babaeng naghihintay ng “perfect guy” nila. Minsan hindi naman sila naghihintay, wala lang silang choice. Nasa Ugly zone din sila na naghihintay ng himala. Seryoso.





Na kung saan…

18 01 2013

Nabubuhay tayo sa bagong henerasyon na kung saan ang hirap intindihin ang lahat, na kung saan napakakomplikado at madalas ay nakakasanayan na lang natin. Nasasanay na lang tayo sa mga bagay bagay na kung minsan ay nakakawasak ng dangal, kagaya ng pag bigkas ng katagang “Bonggang bongga”.

Nabubuhay tayo na kung saan ay….

  • Na kung saan ang mga kubeta ay isa nang ganap na photobooth.
  • Na kung saan kinasusuklaman ang mga taong skinny pero nagsasabing “ang taba taba ko”.
  • Na kung saan may nagpopost sa facebook ng “Ang pangit ko na” at ang basa ko dito ay “attention seeker”.
  • Na kung saan hindi “healthy choice” ang pag – order ng diet coke kasama ng super-sized pizza na may kasamang 3 pieces of chicken.
  • Na kung saan kung kelan ka nagtatago ay na-iihi ka.
  • Na kung saan kapag may bitbit ka sa magkabilang kamay ay manganggati ang ilong mo na kung saan ay wala kang choice kundi bitawan ang dala mo para kamutin ang ilong mo.
  • Na kung saan ang tsimis ay matatagpuan sa twitter, facebok at sa kubeta ng mga babae.
  • Na kung saan ang lalakeng payatot na may six pack abs ay parang babaeng mataba na may malaking boobs – hindi counted.
  • Na kung saan gusto mong mag quit sa pag inom ng alak, paninigarilyo at pag gamit ng droga pero hindi ka pinalaki ng nanay mo na quitter.
  • Na kung saan ang mga kababaihan ay nagtatanong kung nagmumukha silang mataba sa suot nila – na kung saan dapat hindi isinisisi sa kasuotan ang katabaan at dapat na itong mahinto.
  • Na kung saan namatay kana dapat ng 87 times, napunta na sa impyerno ang kaluluwa mo ng 22 times at narape ka ng kapwa mo lalake ng 69 times dahil sa hindi mo pag forward ng mga chain messages.
  • Na kung saan ang lahat ay “In a relationship” na pero ikaw ay tumitipa ng piano o kaya ay nagmimiryenda ng biskwit at tubig sa isang sulok.
  • Na kung saan ang mga babae ay parang nakakuha ng sponsor sa Nike dahil sa porma ng kilay nila.
  • Na kung saan ang bawat babae ay may angkin na kagandahan na kung saan makikita mo ito sa tulong ng konting alak.
  • Na kung saan ang mas mainam na gamitin ang “Drunk” kesa sa Single at In-Relationship na status sa facebook.
  • Na kung saan ang babae ay nakakapaglakad ng walang katapusan bitbit ang katakot takot na shopping bags na walang kapaguran pero hindi makapagbukas ng takip ng garapon.
  • Na kung saan sa bansang tropikal kagaya ng pilipinas ay nag susuot ng mga boots ang mga kababaihan na akala mo ay nilalamig pero naka pekpek shorts naman. Na kung saan nakakalito kung nilalamig ba sila o naiinitan.

Sabi nga nila, huwag agad agad humusga, iwasan ang mabilisang pag-hatol. Walang basagan ng trip ika nga. Kaya malaki pa rin ang pasalamat ko na bukod sa mga nasa itaas ay hindi ko pinag aksayahan panoorin ang breaking dawn, magbasa ng 50 shades of gay grey, magbitbit ng purse o bag ng babae at magsuot ng couple shirts na may tatak na “i love you bebecoh”. Nananatili pa rin akong may dangal, karangalan at katinuan.  Ang kumontra bibigyan ko ng “Lucky pants” na pinakawalan ni Marquez na nagpatulog kkay Pacquiao. Ktnxbye.





Mag paka-babae responsibly

14 01 2013

Naghuhurumentado man sila kapag nireregla, galangin at pahalagahan natin sila. Dahil malungkot ang mundo kapag lahat ay nasa ayos. Aanhin natin ang perpektong buhay, walang hassle at problema? Boring ‘yon. Kailangan natin sila, at ‘yon ang katotohanan. Kailangan ang mga babae sa buhay ni lalake. Pero babala, ang babae ay babae. Ganyan na talaga ‘yan. Isa sa rule sa pagtrato sa babae ay intindihin sila kagaya ng mga nasa ibaba, at ang rule na ‘yan ay imbento ko lang.

  • Hindi sa chinchansu nakasalalay ang kagandahan ng isang babae, pangit at wala kang sex appeal kapag hindi mo naranasang sipulan at pagnasahan ng mga tricycle driver doon sa kanto.
  • Sa babae, walang point ang pag amin at pagsabi na “Malaki ang braso ko” kung ang suot mo ay sleeveless. “Magflex, Magpapansin Responsibly.”
  • Breast milk is still best for babies… and for daddies too. Pero huwag magpasuso sa pampasaherong Jeep.
  • Huwag mag-aksaya ng pera. Hindi savings ang tawag sa pag-papanic buying sa mga mall para makakuha ng 50% na discount sa bag, hindi nakikipag sex ang pera sa wallet, kaya hindi ito dadami.
  • Huwag mawalan ng pag-asa sa buhay, kung wala kang boyfriend, mangarap ka at magworkout. Keep dreaming and dreaming and dreaming.. So keep sleeping.
  • Ang make-up ay pwedeng pandagdag sa kaayusan sa hitsura, pero huwag gawing canvas o coloring book ang mukha dahil konti lang ang nakakaappreciate ng “art” sa painting lalo na kung abstract.
  • Makakatulong ang pagpapakita ng konting cleavage. Pero ang cleavage ay maganda sa harapan, hindi sa may puwetan. Tandaan, ang lahat ng sobra ay hindi maganda, tama na yung isang cleavage.
  • Hindi siya model, feeling lang ng mga babae ‘yon dahil sa instagram. Matutong tumanaw ng utang na loob sa Instagram.
  • Sa babae kapag ang lalake ay pangit at sinusubaybayan ka ang tawag nila doon ay stalking. Pero kung gwapo ka, hindi stalking yon, crush mo daw siya.
  • Kapag apat ang cellphone mo at single ka naman, anong point? “Pwede po bang pa-load miss ng Unlicall at unlitext? jejejeje”
  • Hindi nagdedress ang babae para magpaimpress sa lalake, nag-dedress sila para i-out dress ang mga kasama nila. Tandaan, kung magpapaimpress sila sa lalake, maghuhubad sila.
  • Huwag mag-inarte, huwag mandiri sa pornograpiya kung nagbabasa ka ng 50 shades of gray sa publiko, mas magaling pa si Xerex dyan. In short, parang nagbibitbit ka lang ng tabloid. Isa pa, try mo yung audio book ng 50 shades of gray. Ooohhhh… Aaaahhhh….
  • Flirtationship. Ang status na pwedeng ipamalit sa it’s complicated o friends with benefits ng mga babaeng may kaharutan, delikado nga lang ang Flritationship kapag fertile ang babae.

Ang babae ay minamahal at hindi sinasaktan. Ang babae ay ang ilaw ng tahanan. Ang babae ay may kakayanan na makipagaway at maghurumentado na walang dahilan lalo na kapag may regla sila. Ang babae ay ayaw sa lalakeng matagal magreply sa text. Ang babae ay parang adobo, mahalagang sangkap nila ay toyo. Ang babae ay dapat pinapahalagahan, pinaparamdam na maganda sila – kahit pangit yun iba, kaya ang babae ay binobola (Ang pambobola ay isang sangkap para sa isang matamis na pagsasama, kung wala ito, boring. Huwag lang sosobra). At ang babae kapag wala sa hulog dapat maging babae na lang sila sa septic tank. Ang babae ay may utong.

Kung hindi mo nabasa ang pangalan mo dito, hindi ikaw ang tinutukoy ko, pero kung pakiramdam mo ay ganun ka, enjoy!








Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 105 other followers

%d bloggers like this: